pinagmamasdan.
isang ngiti.
ako'y nalusaw.
Pinagmamasdan kita nang 'di mo alam. Hindi nga ako stalker pero siyempre, sino ba namang tao ang makapagpigil na 'di matitigan nang palihim ang taong gusto nila?
Wala.
So, ayun. I was looking at you from the corner of my eye. Siyempre, 'di nga lang obvious. Baka mabuking. Nakaupo ka sa malayo, nanonood ng TV at nakikitawa sa mga jokes na hanep sa palabas. Kebs ko ba naman kung ano ang pinapanood mo. Nakaupo lang ako eh, kunwari may ginagawa sa selpon, 'yun pala, nakatitig nang palihim sa'yo.
Hindi nga tayo nag-uusap pero feeling ko kumpleto na araw ko 'pag tayo'y magkasama sa iisang silid. Talk about infatuation. Ang bwitre.
Umuulan pa naman.
Kailan lang ng MYMP ang peg? Bawat araw, sinusundan?
Bwiset.
Makakaahon pa kaya ako mula sa nararamdaman kong ito? Hanggang leeg na ang pagkalubog ko. Konti na lang, lagpas-ulo na.
Bahala na.
'Di mo naman alam.
Konti lang naman ang nakakaalam.
Okay lang.
Diyan ka na lang. Umupo ka na lang.
Pinagmamasdan.
Labels: love life, personal