"Where you'd like to be in 10 years."
Ang bongga naman ng tanong. Pang-Binibining Pilipinas. *insert laugh*
Pero 'di nga, nag-isip ako nang malalim para lang masagot ko 'tong tanong na 'to. At napagtanto ko na ang tanda-tanda ko na pala after 10 years. 27 nako niyan. Malapit na sa 30.
Where would I like myself to be in 10 years?
In 10 years, siguro nag-aaral pako niyan ng Medicine somewhere dito lang sa may amin o 'di kaya naga-duty na sa isang hospital, getting ready to be a resident doctor or something. I don't really know how long it takes to be a fully-pledged doctor basta sure ako na I would like myself to be somewhere on the medical hierarchy in 10 years (whether I'm a student or a whatever preparing for residency).
Gusto ko rin magkaroon ng lovelife niyan, though I know love is something na hindi minamadali. Still, I would like to have someone to share my problems and joys with sa future. Parang mood absorber ba. Hahahaha.
Basta, in 10 years, I would like to be successful and happy na kahit may problema, kering-keri pa rin ang buhay :)
Labels: 30 day challenge no.1